Your Ad Here

Goodbye Long Weekends. Noynoy naman, ang KJ mo.


Hay naku, hindi ako masaya sa nabalitaan ko sa TV, hindi na daw holiday sa Aug 23 at 30. Nakapag-book pa naman ako ng tour sa Hongkong with my family.Eto na sana ang chance ko to spend quality time with my love ones. Actually,early this year pa namin pinlano to,kasi this January inilabas na ni GMA ang kanyang RA 9492 and Proclamation 1841 declaring Aug 23,Aug 30,etc. as special non-working holidays.

Ewan ko ba tong kay Noynoy at lahat nalang ng mga proclamation ni Gloria ay pinag-babawi nya. Alam ko presidente natin sya,at may karapatan syang gawin yon. Pero HELLER! Kung may galit sya kay Gloria,eh sana wag nya ibuhos yung galit nya sa pamamagitan ng pag-laban at bawi ng mga batas ng previous administration dahil maraming tao ang naapektuhan. Alam din namin na gusto ng mga business owners ang pagbawi mo ng holiday economics ni Gloria,pero yung mga empleyado na gusto namang magpahinga at magbakasyon man lang kahit kapiranggot na sweldong natatanggap namin inisip ba ng mga advisers ni Noynoy? Manang mana ka talaga kay tita Cory... mahilig kang makinig sa advisers. Hay,impyernong buhay na to! Sana may mangyari sa administrasyon na to.Wish ko lang.
Bookmark and Share

0 comments:

Post a Comment