Your Ad Here

Mga Baboy

Yesterday, August 26, 2013, the Philippines celebrated its annual National Heroes' Day. Yesterday, almost 300,000 heroes marched in Luneta Park to show their patriotism and love for the Philippines. People from all walks of life ay sama-samang lumabas sa kanilang bahay kasama ang kanilang pamilya at kaibigan upang ipaalam sa ating mga senador at kongresita na pagod na ang ating bayan sa pangongorakot nila sa kaban ng bayan. Pagod na ang mga mamamayan sa pagnanakaw nila sa buwis na binabayad ng ordinayong mamamayan. Tama na! Sobra na! Na-hihigh blood na tayo sa mantika ng pork barrel!

Gusto ko lang pong iremind kayong mga senador at  mga kongresita na ang trabaho nyo ay gumawa ng mga batas at hindi para magnakaw sa kaban ng bayan.

Kayong mga senador at kongresita na kumukubra sa salapi ng bayan, hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo? Hindi ba kayo nakokonsyensa na ang pagkain na isinusubo nyo at ng pamilya mo ay galing sa pagnanakaw nyo? Nakatulog ba kayo ng mahimbing sa mga mansion na pinatayo ninyo mula sa dugo at pawis ng mangga-gawang Pilipino? Kung walang epekto sayo ang sinasabi ko, baboy nga kayo!


Bato-bato sa langit, opinyon lang at ang magalit ... magnanakaw!

Bookmark and Share

0 comments:

Post a Comment