Your Ad Here

Ayon Kay Kalookan Mayor, "Walang Corruption sa City Hall"


Hay naku mayor, can you be more specific? Paki-explain nga ulit yang sinabi mo?

Una sa lahat, magandang araw sa lahat ng bumabasa ng blog na ito. Eto ang first post ng "Bato-Bato sa Langit ang Tamaan Wag Magagalit". Ang blogsite na ito ay para sa lahat ng Pinoys na sukang-suka na sa pamamalakad ng mga elected-officials sa bawat sulok ng Pinas.


Dahil ito ang boses ng mga empleyadong Pinoys na walang sawang nagbabayad ng income tax bwan-bwan para sweldohan ang mga batugan at waldas na opisyales ng gobyerno.
Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako habang sinusulat ko ang article na ito dahil marami akong makaka-away dahil sang damak-mak ang mga mandurugas at magnanakaw sa gobyerno. Alam naman natin lahat yan diba? Pero bakit hindi tayo nagsasalita? Kung tutuusin, mga taxes natin ang nagpapasweldo sa kanila. Dapat sila ang nagsisilbi sa atin at hindi sila ang pagsisilbihan natin.
Mahigit dalawang decada na ako nagtratrabaho at ganon katagal narin akong nagbabayad ng bwis sa gobyerno. Araw-araw kitang-kita ko kung pano sinasayang ng gobyerno ang mga taxes natin. Nakikita nyo ba ang pasulpot-sulpot at walang kwentang waiting shed at kakaibang shapes na lamp post sa inyo kalye? Eh yung mga overpass na walang gumagamit? Yung mga kalye na taon-taon na sinesemento at taon-taon ding nasisira? Napapansin nyo ba yung mga pader na pinunturahan ng mga kung ano-anong quotations like "Clean and Green", "Say No to Drugs"at "Bawal Umuhi Dito"? Kakainis noh? Puro lang sila porma at "display". Sinayang lang nila ang tax na binayad ko sa pintura ng kasinungalingan.

Kung tutuusin, kasalanan din natin to. Bakit natin sila binoto? At bakit hindi tayo nag-rereklamo? Engot din pala tayo eh. Sana magsalita ka naman, oo ikaw! Kaya nila nagagawang sayangin at pagsamantalahan ang mga taxes na binabayad natin kasi tumatahimik lang tayo. Pwes! Tama na! Sobra Na! Magsalita na tayo! Now na!

Balik tayo sa headline ng post ko, "Ayon Kay Kalookan Mayor, Walang Corruption sa City Hall", yan ang sagot ni Mayor Echiverri sa acqusations ng Gotesco Mall Owners. Just to give you a short background, ayon sa isang newspaper, i-tatake over na ng Caloocan government ang Gotesco Mall sa may Monumento. Dahil ayon sa Caloocan government, hindi daw nagbabayag ng tax ang Gotesco Mall for almost 25 years. OMG! 25 years nang hindi nagbabayad tapos ngayon lang kayo maniningil?! Nakapagtataka naman yata yon? Pero ayon sa opisyales ng Gotesco Mall, isang Caloocan City official ang tumanggap ng sako-sakong pera bilang "suhol". As usual, dine-deny naman ito ng City Hall. At ang sagot nga ni Mayor, "walang corruption sa City Hall." Hinahamon ni Mayor Echiverri si Gotesco na magpakita ng ebidensya at sabihin kung sino sa City Hall ang di umano'y tumanggap ng suhol. Pero mayor Echiverri, kung baligtarin ko kaya ang tanong, "meron ka bang ebidensya na wala ngang corruption sa City Hall?"
Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.
Bookmark and Share

2 comments:

Anonymous said...

"A little knowledge is a dangerous thing". Hindi maganda magsulat ng blog kung hindi mo naman alam ang mga tunay na pangyayari at base lamang sa chizmiz sa media ang alam mo. Alam u ba nangyari sa kwento tungkol sa suhulan na gawa-gawa ng mga leftist lawyers ni Mr. Go? Sabi ba naman ng kwento, ang sakong pera daw ay inabot sa elevator ng Caloocan city hall. Hindi alam ng nag-imbento ng chizmiz na wala naman palang elevator ang Caloocan city hall! OMG! Buking! HAHAHAHAHAHA!!!

Anonymous said...

pkitingnan nga angbrgy 177.madami dito videokehan walang permit sa bulsa ng brgy officials napupunta.mga estudyante dun nagpupunta sa videoke hindi sa skul kaya mga tao dito barumbado pero magagaling kumanta kasi inaaralan nila doctoral degree in videoke.hahahaha.kawawa naman

Post a Comment