Tumaas na naman ang gasolina ng halos piso bawat litro. If I remember it right, parang katataas lang ng .50 cents four days ago. Haaay naku, eto nananaman sila. Nagtataka lang ako kung bakit gasolina lang ang tinaasan ng presyo. Bakit hindi nila tinaasan ang presyo ng diesel? Alam ko na, baka natatakot sila sa mga tsuper ng jeep at baka humingi na naman sila ng dag-dag pasahe. Tumigil nga sila! May sumasakay pa ba sa mga jeep? Dapat i-phase out na ang mga jeep sa kalye lalo na dito sa Maynila. Pampasikip lang yan sa kalye, at mind you, mga BASTOS din sila mag-maneho. Yang mga jeepney drivers nayan, walang disiplina sa sarili.
Hinto ng hinto kung saan saan, sakay at baba ng pasahero kahit sa gitna ng kalsada, at ang hilig nilang bumalandra lalo na sa mga intersections na parang sila lang ang may ari ng kalsada. Hoy mga jeepney drivers, alam namin na nag-hahanap buhay kayo, sana isipin nyo na yung ibang tao na naabala nyo sa kalye ay naghahanap buhay din katulad nyo. Kaya pwede ba, wag kayong BASTOS!
Nagpupunta ba kayo ng Manila? Subukan nyong mag-maneho sa Blumentritt, sa Quiapo, Sa Taft Avenue, Sa Quirino Avenue, sa Pedro Gil, Sa Mabini at sa Recto Avenue.... dyos ko po! Sobrang walang disiplina ang mga tsuper ng jeep sa lugar nayan at ang dami-dami pa nila.

Haaay, ang cute talaga dito sa Pilipinas. Ang sarap tumira dito sa mahal kong Bansa. Ikaw, siguro nag-eenjoy karin dito sa mahal nating bayan noh?
Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.
0 comments:
Post a Comment