Your Ad Here
Showing posts with label Pinas. Show all posts
Showing posts with label Pinas. Show all posts

Manong Driver, Ang Kapal Mo Naman.

Tumaas na naman ang gasolina ng halos piso bawat litro. If I remember it right, parang katataas lang ng .50 cents four days ago. Haaay naku, eto nananaman sila. Nagtataka lang ako kung bakit gasolina lang ang tinaasan ng presyo. Bakit hindi nila tinaasan ang presyo ng diesel? Alam ko na, baka natatakot sila sa mga tsuper ng jeep at baka humingi na naman sila ng dag-dag pasahe. Tumigil nga sila!  May sumasakay pa ba sa mga jeep? Dapat i-phase out na ang mga jeep sa kalye lalo na dito sa Maynila. Pampasikip lang yan sa kalye, at mind you, mga BASTOS din sila mag-maneho. Yang mga jeepney drivers nayan, walang disiplina sa sarili. Hinto ng hinto kung saan saan, sakay at baba ng pasahero kahit sa gitna ng kalsada, at ang hilig nilang bumalandra lalo na sa mga intersections na parang sila lang ang may ari ng kalsada. Hoy mga jeepney drivers, alam namin na nag-hahanap buhay kayo, sana isipin nyo na yung ibang tao na naabala nyo sa kalye ay naghahanap buhay din katulad nyo. Kaya pwede ba, wag kayong BASTOS!



Nagpupunta ba kayo ng Manila? Subukan nyong mag-maneho sa Blumentritt, sa Quiapo, Sa Taft Avenue, Sa Quirino Avenue, sa Pedro Gil, Sa Mabini at sa Recto Avenue.... dyos ko po! Sobrang walang disiplina ang mga tsuper ng jeep sa lugar nayan at ang dami-dami pa nila. Ang naka-pagtataka pa don, eh walang ginagawa ang gobyerno ng Maynila para disiplinahin sila. Sang damak-mak ang mga pulis sa kalye pero wala naman silang ginagawa kundi pumito, kumaway at sumenyas-sensyas kunyarian. Hindi nila hinuhuli ang mga pasaway na jeepney drivers pero ang mga private na sasakyan ang madalas nilang pinag-pyepyestahan. Sabagay, mas malaki ang "kotong" kapag private compared sa mga  jeepneys. Hay, sayang talaga ang taxes ko. Sinayang nanaman ng mga walang kwentang tao. Kami pang mga nagbabayad ng taxes at kaming nagpapasweldo sa mga pulis ang gusto nilang hulihin. Samantalang yang mga jeepney driver na hindi naman na nagbabayad ng taxes at walang ginanawa kundi mag-patraffic sa kalye ay hinahayaan lang nilang mag-hari harian sa kalsada. Ang kakapal ng mga mukha ninyo!


Haaay, ang cute talaga dito sa Pilipinas. Ang sarap tumira dito sa mahal kong Bansa. Ikaw, siguro nag-eenjoy karin dito sa mahal nating bayan noh?

Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.
Bookmark and Share

Ayon Kay Kalookan Mayor, "Walang Corruption sa City Hall"


Hay naku mayor, can you be more specific? Paki-explain nga ulit yang sinabi mo?

Una sa lahat, magandang araw sa lahat ng bumabasa ng blog na ito. Eto ang first post ng "Bato-Bato sa Langit ang Tamaan Wag Magagalit". Ang blogsite na ito ay para sa lahat ng Pinoys na sukang-suka na sa pamamalakad ng mga elected-officials sa bawat sulok ng Pinas.


Dahil ito ang boses ng mga empleyadong Pinoys na walang sawang nagbabayad ng income tax bwan-bwan para sweldohan ang mga batugan at waldas na opisyales ng gobyerno.
Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako habang sinusulat ko ang article na ito dahil marami akong makaka-away dahil sang damak-mak ang mga mandurugas at magnanakaw sa gobyerno. Alam naman natin lahat yan diba? Pero bakit hindi tayo nagsasalita? Kung tutuusin, mga taxes natin ang nagpapasweldo sa kanila. Dapat sila ang nagsisilbi sa atin at hindi sila ang pagsisilbihan natin.
Mahigit dalawang decada na ako nagtratrabaho at ganon katagal narin akong nagbabayad ng bwis sa gobyerno. Araw-araw kitang-kita ko kung pano sinasayang ng gobyerno ang mga taxes natin. Nakikita nyo ba ang pasulpot-sulpot at walang kwentang waiting shed at kakaibang shapes na lamp post sa inyo kalye? Eh yung mga overpass na walang gumagamit? Yung mga kalye na taon-taon na sinesemento at taon-taon ding nasisira? Napapansin nyo ba yung mga pader na pinunturahan ng mga kung ano-anong quotations like "Clean and Green", "Say No to Drugs"at "Bawal Umuhi Dito"? Kakainis noh? Puro lang sila porma at "display". Sinayang lang nila ang tax na binayad ko sa pintura ng kasinungalingan.

Kung tutuusin, kasalanan din natin to. Bakit natin sila binoto? At bakit hindi tayo nag-rereklamo? Engot din pala tayo eh. Sana magsalita ka naman, oo ikaw! Kaya nila nagagawang sayangin at pagsamantalahan ang mga taxes na binabayad natin kasi tumatahimik lang tayo. Pwes! Tama na! Sobra Na! Magsalita na tayo! Now na!

Balik tayo sa headline ng post ko, "Ayon Kay Kalookan Mayor, Walang Corruption sa City Hall", yan ang sagot ni Mayor Echiverri sa acqusations ng Gotesco Mall Owners. Just to give you a short background, ayon sa isang newspaper, i-tatake over na ng Caloocan government ang Gotesco Mall sa may Monumento. Dahil ayon sa Caloocan government, hindi daw nagbabayag ng tax ang Gotesco Mall for almost 25 years. OMG! 25 years nang hindi nagbabayad tapos ngayon lang kayo maniningil?! Nakapagtataka naman yata yon? Pero ayon sa opisyales ng Gotesco Mall, isang Caloocan City official ang tumanggap ng sako-sakong pera bilang "suhol". As usual, dine-deny naman ito ng City Hall. At ang sagot nga ni Mayor, "walang corruption sa City Hall." Hinahamon ni Mayor Echiverri si Gotesco na magpakita ng ebidensya at sabihin kung sino sa City Hall ang di umano'y tumanggap ng suhol. Pero mayor Echiverri, kung baligtarin ko kaya ang tanong, "meron ka bang ebidensya na wala ngang corruption sa City Hall?"
Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.
Bookmark and Share