Your Ad Here

2012 SONA ni Aquino, makatotohanan ba?





Kahapon ay hindi ordinaryong araw para kay PNOY, dahil ito ay araw ng kanyang ika-tatlong SONA. I took a day-off from my work para mapanood ang kanyang speech.  Maganda ang pagkakasulat ng SONA ni PNOY, I wan't to commend his writers. Pero, katulad ng nakaraang administration, ang SONA ni PNOY ay puro pagbubuhat lang ng bangko at puro pag-yayabang lamang. Ang SONA para sa akin ay isang pelikula lamang sa isang sinehan. Pagkatapos mong panoorin ng ilang oras, tapos na ang palabas.

Sabihin mo na ang lahat ng magagandang achievements ng administrasyon mo, pero Ginoong Presidente, hindi ko parin nararamdaman ang effects ng pagkalago ng ating economiya. Hirap parin ako sa pag-budget ng aking kakapiranggot na sweldo. Marami parin akong mga kaibigan at kamag-anak na gustong lumayas ng ating bansa upang makakita ng mas magandang opportunity sa labas ng ating bansa. Ayon kay PNOY, nabawasan ang ating unemployment rate. Oo, totoo nga ito, pero sapat ba ang kinikita ng mga mangagawang Pilipino dito sa Pinas? Sa taas ng mga bilihin at pamasahe, ano ba ang mararating ng kakapiranggot na sweldo na natatanggap ng isang ordinaryong manggagawa?

Hindi ko kailangan ang yabang mo Ginoong Aquino, hindi namin makakain yan! Ang hangin mo ay isang utot lamang. Maingay at mabaho.

Marami ka ngang nagawa, pero kulang pa. Ikaw na rin ang nagsabi, kami ang boss mo. Kaya, ang utos ng mga boss mo, magtrabaho ka pa kasama ang mga cabinete mo.

Image Source



Bookmark and Share

0 comments:

Post a Comment