Showing posts with label Gloria Macapagal Arroyo. Show all posts
Showing posts with label Gloria Macapagal Arroyo. Show all posts
Goodbye Long Weekends. Noynoy naman, ang KJ mo.
Hay naku, hindi ako masaya sa nabalitaan ko sa TV, hindi na daw holiday sa Aug 23 at 30. Nakapag-book pa naman ako ng tour sa Hongkong with my family.Eto na sana ang chance ko to spend quality time with my love ones. Actually,early this year pa namin pinlano to,kasi this January inilabas na ni GMA ang kanyang RA 9492 and Proclamation 1841 declaring Aug 23,Aug 30,etc. as special non-working holidays.
Ewan ko ba tong kay Noynoy at lahat nalang ng mga proclamation ni Gloria ay pinag-babawi nya. Alam ko presidente natin sya,at may karapatan syang gawin yon. Pero HELLER! Kung may galit sya kay Gloria,eh sana wag nya ibuhos yung galit nya sa pamamagitan ng pag-laban at bawi ng mga batas ng previous administration dahil maraming tao ang naapektuhan. Alam din namin na gusto ng mga business owners ang pagbawi mo ng holiday economics ni Gloria,pero yung mga empleyado na gusto namang magpahinga at magbakasyon man lang kahit kapiranggot na sweldong natatanggap namin inisip ba ng mga advisers ni Noynoy? Manang mana ka talaga kay tita Cory... mahilig kang makinig sa advisers. Hay,impyernong buhay na to! Sana may mangyari sa administrasyon na to.Wish ko lang.
Ang Huling SONA ni Gloria
Image Source
This is it President Gloria. Eto na ang huli mong SONA. Una sa lahat, gusto ka naming pasalamatan sa lahat ng ginawa mo sa Pilipinas. Hindi ka perfect, pero may nagawa ka namang maganda sa ating bayan. Kahit na may katiwalian during your administration, okay lang yon dahil kahit nung panahon pa ni Magellan may katiwalian na sa gobyerno. Maski sa nga sa mga mayayaman na bansa merong ding corruption. Totoo nga ang kasabihan, you cannot please everyone. Hayaan mong mag-rally yang mga activist sa harap ng Batasan, hayaan mo silang mangamoy araw sa kalye at tubuan ng kuto at lisa sa ulo, hayaan mo silang mapatid ang litid sa kakasigaw ng kung ano-ano laban sa yo... wala naman silang magagawa eh. Papagurin lang nila ang sarili nila, hindi ka naman bababa sa pwesto mo eh. Salamat at gudlak sa SONA mo ha.
Subscribe to:
Posts (Atom)
