Ang saya-saya! Kasi 10:00 am na ko nakakarating ng opisina ko this past few months. Ang traffic kasi everywhere! Road works here and roadworks everywhere! Kaya I'm always late sa aking work. It's more fun in the Philippines talaga!
Nakatira ako sa Bulacan at nag-wowork ako sa Makati. Dapat 5:30am ng umaga ay nakapila nako sa FX or else I'll be late for work. Ganyan ang buhay ko araw-araw, aalis ako ng bahay ng wala pang sikat ang araw at uuwi ako ng bahay kapag wala na ang sikat ng araw. Alam ko marami tayong ganito ang situation sa buhay. Kung marami lang trabaho sa Bulacan, eh hindi na ko magtya-tyagang mag trabaho sa Makati. Pero wala tayong choice, halos lahat ng matitinong trabaho ngayon ay nasa Makati o Ortigas lamang.
Bukod sa layo ng ating byahe, marami ring perwisyo sa kalye. Isa dyan ay ang grabeng traffic sa Metro Manila. Ewan ko ba kung ano ang solution sa problemang ito. Bukod sa napaka-daming barumbadong jeepney at buses sa kalye, eh hindi rin maganda ang kondisyon ng ating kalye at tulay. Kung hindi ito lubak-lubak ito'y makikitid. Siguro ito ang dahilan kung bakit matraffic sa Metro Manila. Pero, in fairness, maraming mga construction at road improvement na ginagawa these past few months. Kaya mas lalong lumala ang traffic sa Maynila. Hindi mo tuloy alam kung matutuwa ka or maiinis ka sa gobyerno. Naalala ko tuloy ang SONA ni Pres. Aquino last July. Ang sabi nya:
"Dati, panay ang “hoy, gising!” sa gobyerno (DPWH) , bakit wala daw kasing
ginagawa. Ngayon ang reklamo, “Sobra namang trapik, ang dami kasing
ginagawa.”
Eto lang ang masasabi ko sayo Pangulong Aquino, hindi ka si Kris Aquino, at sana ingatan mo yang bunganga mo. Parang utang na loob pa naming mga tax payers na marami kayong ginagawang butas na kalye at ini-espaltong kalye. Hello! Trabaho nyo yan, at wag nyo isusumbat sa amin na marami kayong infrastructure project! Pera namin yang ginagastos nyo, kaya pwede ba! wag nyo naman kaming perwisyohin! Hindi excuse yang mga punyetang DPWH projects na yan sa kunsuminsyon na traffic na idinudulot nito!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment