Yesterday, August 26, 2013, the Philippines celebrated its annual National Heroes' Day. Yesterday, almost 300,000 heroes marched in Luneta Park to show their patriotism and love for the Philippines. People from all walks of life ay sama-samang lumabas sa kanilang bahay kasama ang kanilang pamilya at kaibigan upang ipaalam sa ating mga senador at kongresita na pagod na ang ating bayan sa pangongorakot nila sa kaban ng bayan. Pagod na ang mga mamamayan sa pagnanakaw nila sa buwis na binabayad ng ordinayong mamamayan. Tama na! Sobra na! Na-hihigh blood na tayo sa mantika ng pork barrel!
Gusto ko lang pong iremind kayong mga senador at mga kongresita na ang trabaho nyo ay gumawa ng mga batas at hindi para magnakaw sa kaban ng bayan.
Kayong mga senador at kongresita na kumukubra sa salapi ng bayan, hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo? Hindi ba kayo nakokonsyensa na ang pagkain na isinusubo nyo at ng pamilya mo ay galing sa pagnanakaw nyo? Nakatulog ba kayo ng mahimbing sa mga mansion na pinatayo ninyo mula sa dugo at pawis ng mangga-gawang Pilipino? Kung walang epekto sayo ang sinasabi ko, baboy nga kayo!
Bato-bato sa langit, opinyon lang at ang magalit ... magnanakaw!
Manila is a the worst brand among Asian cities, study says.
If Manila is a grocery item in a grocery store, people will likely not buy it. This can be shown in the recent study made by Public Affairs Asia and public relations firm Ogilvy. Below is a screen shot of the ranking which they published in their online journal recently.
According to the study, factors that impact location brands are :
-Word of Mouth (59%)
-PR and News (51%)
-Social Media (40%)
-Advertising (30%)
This means, the choices of those surveyed where affected by the above factors.
Below are the negative issues that impacted the brand reputation of the these Asian cities and affected the answers of the respondents:
-Pollution
-Instability
-Corruption
-Poor Governance
-Crime
-Bureaucracy
-Security
-War
-High Cost of Living
-Poor rule of law
-Terrorism
-Cleanliness
-Censorship
-High Taxes
-Poor logistics
-Labour unrest
-Poor Human Rights
-Poor Reputation
-Climate
-Poverty
-Violence
-War
-Discrimination
-Inflation
The economic gains that the Philippines is experiencing will be put in to waste if the government will do nothing to address this issues.
Traffic Everywhere!
Ang saya-saya! Kasi 10:00 am na ko nakakarating ng opisina ko this past few months. Ang traffic kasi everywhere! Road works here and roadworks everywhere! Kaya I'm always late sa aking work. It's more fun in the Philippines talaga!
Nakatira ako sa Bulacan at nag-wowork ako sa Makati. Dapat 5:30am ng umaga ay nakapila nako sa FX or else I'll be late for work. Ganyan ang buhay ko araw-araw, aalis ako ng bahay ng wala pang sikat ang araw at uuwi ako ng bahay kapag wala na ang sikat ng araw. Alam ko marami tayong ganito ang situation sa buhay. Kung marami lang trabaho sa Bulacan, eh hindi na ko magtya-tyagang mag trabaho sa Makati. Pero wala tayong choice, halos lahat ng matitinong trabaho ngayon ay nasa Makati o Ortigas lamang.
Bukod sa layo ng ating byahe, marami ring perwisyo sa kalye. Isa dyan ay ang grabeng traffic sa Metro Manila. Ewan ko ba kung ano ang solution sa problemang ito. Bukod sa napaka-daming barumbadong jeepney at buses sa kalye, eh hindi rin maganda ang kondisyon ng ating kalye at tulay. Kung hindi ito lubak-lubak ito'y makikitid. Siguro ito ang dahilan kung bakit matraffic sa Metro Manila. Pero, in fairness, maraming mga construction at road improvement na ginagawa these past few months. Kaya mas lalong lumala ang traffic sa Maynila. Hindi mo tuloy alam kung matutuwa ka or maiinis ka sa gobyerno. Naalala ko tuloy ang SONA ni Pres. Aquino last July. Ang sabi nya:
"Dati, panay ang “hoy, gising!” sa gobyerno (DPWH) , bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, “Sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa.”
Eto lang ang masasabi ko sayo Pangulong Aquino, hindi ka si Kris Aquino, at sana ingatan mo yang bunganga mo. Parang utang na loob pa naming mga tax payers na marami kayong ginagawang butas na kalye at ini-espaltong kalye. Hello! Trabaho nyo yan, at wag nyo isusumbat sa amin na marami kayong infrastructure project! Pera namin yang ginagastos nyo, kaya pwede ba! wag nyo naman kaming perwisyohin! Hindi excuse yang mga punyetang DPWH projects na yan sa kunsuminsyon na traffic na idinudulot nito!
Nakatira ako sa Bulacan at nag-wowork ako sa Makati. Dapat 5:30am ng umaga ay nakapila nako sa FX or else I'll be late for work. Ganyan ang buhay ko araw-araw, aalis ako ng bahay ng wala pang sikat ang araw at uuwi ako ng bahay kapag wala na ang sikat ng araw. Alam ko marami tayong ganito ang situation sa buhay. Kung marami lang trabaho sa Bulacan, eh hindi na ko magtya-tyagang mag trabaho sa Makati. Pero wala tayong choice, halos lahat ng matitinong trabaho ngayon ay nasa Makati o Ortigas lamang.
Bukod sa layo ng ating byahe, marami ring perwisyo sa kalye. Isa dyan ay ang grabeng traffic sa Metro Manila. Ewan ko ba kung ano ang solution sa problemang ito. Bukod sa napaka-daming barumbadong jeepney at buses sa kalye, eh hindi rin maganda ang kondisyon ng ating kalye at tulay. Kung hindi ito lubak-lubak ito'y makikitid. Siguro ito ang dahilan kung bakit matraffic sa Metro Manila. Pero, in fairness, maraming mga construction at road improvement na ginagawa these past few months. Kaya mas lalong lumala ang traffic sa Maynila. Hindi mo tuloy alam kung matutuwa ka or maiinis ka sa gobyerno. Naalala ko tuloy ang SONA ni Pres. Aquino last July. Ang sabi nya:
"Dati, panay ang “hoy, gising!” sa gobyerno (DPWH) , bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, “Sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa.”
Eto lang ang masasabi ko sayo Pangulong Aquino, hindi ka si Kris Aquino, at sana ingatan mo yang bunganga mo. Parang utang na loob pa naming mga tax payers na marami kayong ginagawang butas na kalye at ini-espaltong kalye. Hello! Trabaho nyo yan, at wag nyo isusumbat sa amin na marami kayong infrastructure project! Pera namin yang ginagastos nyo, kaya pwede ba! wag nyo naman kaming perwisyohin! Hindi excuse yang mga punyetang DPWH projects na yan sa kunsuminsyon na traffic na idinudulot nito!
Good News Nanaman!
I saw this article in the Global Business section of the New York Times, details below:
A Youthful Populace Helps Make the Philippines an Economic Bright Spot in Asia
By FLOYD WHALEY
Published: August 27, 2012
MANILA — In the upscale business district of Manila, a midweek crowd
spills out into the street. The New York-themed Borough restaurant is
pulsating to the beat of a Bon Jovi song, while young, hip Filipinos
take shots of tequila from a passing tray and sing in unison.
“Whoa-oh, we’re halfway there!” the crowd sings. “Whoa-oh, livin’ on a prayer!”
The revelers have reason to celebrate. Times are pretty good in the Philippines
if you are young, skilled and live in the city. Young urban workers are
helping to give the country its brightest prospects in decades,
economists say.
With $70 billion in reserves and lower interest payments on its debt after recent credit rating upgrades, the Philippines pledged $1 billion to the International Monetary Fund to help shore up the struggling economies of Europe.
“This is the same rescue fund that saved the Philippines when our
country was in deep financial trouble in the early ’80s,” said
Representative Mel Senen Sarmiento, a congressman from Western Samar.
The Philippines has certainly had a steady flow of positive economic
news recently. On July 4, Standard & Poor’s raised the country’s
debt rating to just below investment grade, the highest rating for the
country since 2003 and equivalent to that of Indonesia.
The Philippines is the 44th-largest economy in the world today, according to HSBC estimates.
But if current trends hold, it can leap to the No. 16 spot by 2050. The
Philippine stock market, one of the best performers in the region,
closed at a record high after the recent S.& P. rating upgrade, and
the country’s currency, the peso, reached a four-year high against the dollar at about the same time.
The gross domestic product of the Philippines grew 6.4 percent in the first quarter,
according to the country’s central bank, outperforming all other growth
rates in the region except China’s. Economists expect similarly strong
growth in the second quarter.
“We have made a very bold forecast for the Philippines, but I think
justifiably so,” said Frederic Neumann, a senior economist at HSBC in
Hong Kong.
A high population growth rate, long considered a hindrance to
prosperity, is now often seen as a driving force for economic growth.
About 61 percent of the population in the Philippines is of working age,
between 15 and 64. That figure is expected to continue increasing,
which is not the case for many of its Asian neighbors, whose populations
are aging.
“There are a number of countries in Asia that will see their working-age
populations decline in the coming years,” Mr. Neumann said. “The
Philippines stands out as the youngest population. As other countries
see their labor costs go up, the Philippines will remain competitive due
to the sheer abundance of workers joining the labor force.”
Many of those workers are feeding the country’s robust outsourcing industry. The Philippines, where English is widely spoken, surpassed India last year as the world’s leading provider of voice-based outsourcing services like customer service call centers.
According to the country’s Board of Investments, offshore call centers
employed 683,000 Filipinos in 2011 and generated about $11 billion in
revenue, a 24 percent increase from the previous year. The government is
seeking to expand the industry and has said it hopes it will generate
$25 billion in revenue by 2016.
The Philippines’ growing prosperity has also been driven by the 9.5
million Filipinos — almost 10 percent of the population — who work
outside the country and who sent home about $20 billion in 2011. That is
up from $7.5 billion in 2003.
Trinh D. Nguyen, an economist with HSBC in Hong Kong, said the
Philippines had benefited from an increase in government efficiency and
revenue collection, as well as aggressive actions to address corruption,
like the impeachment of the chief justice of the Supreme Court and the
arrest of former President Gloria Macapagal Arroyo on suspicion of
accepting kickbacks and of misusing government lottery money.
“It is not only short-term growth that draws investors to the
Philippines,” Ms. Nguyen said. “The fundamentals are there.”
But there are also real weaknesses in the country. Recent flooding,
which by some estimates submerged 50 percent of Manila, illustrates a
shortage of modern infrastructure that makes the Philippines highly
vulnerable to disasters.
“The Philippines is hit with several deadly and devastating natural disasters every year,” Ms. Nguyen said.
But government officials have said that the recent flooding might
actually help economic growth, because reconstruction will require an
increase in public spending and the country will have to put into place
programs to make it more resistant to the effects of natural disasters.
Another hurdle is the fact that the Philippines has traditionally
underexploited its natural resources. The government estimates that
there are 21.5 billion tons of metal deposits in the country, including
large deposits of nickel, iron, copper and gold. But they have never
been a significant driver of economic growth because extraction has been
mismanaged, Mr. Neumann said.
In the shorter term, there are concerns that the country’s newfound prosperity has not sufficiently eradicated poverty.
Other countries in the region, most notably China and Japan, but also
Thailand and Vietnam, have successfully developed export-driven
manufacturing, bringing millions of people out of poverty and increasing
the size of their middle classes. Manufacturing typically draws workers
away from agriculture, which pays less. But many of the large foreign
companies that financed such transitions to manufacturing in Asia have
avoided the Philippines because of periods of political instability.
The service sector — including the young call center workers who were
recently reveling in Manila — are helping drive an economic boom in the
cities.
But that type of outsourcing still provides only about 1 percent of jobs
in the country, according to data from the Asian Development Bank. And
the strong sector does not create jobs accessible to farmers or to
millions of other Filipinos in rural areas who seek a way out of
poverty.
“While the Philippines’ business process outsourcing industry has grown
impressively, it still employs a very small portion of the country’s
work force,” noted Rajat M. Nag, a managing director of the Asian
Development Bank. “It needs to aggressively develop its manufacturing
sector to create more jobs.”
On Emerald Avenue in the Ortigas business district of Manila, where
hundreds of call center workers pour out of skyscrapers to gossip and
smoke, Mika Santos, 18, does not have much to say about the national
economy. But she is very happy with her own situation.
After completing a two-year information technology course and passing an
exam in English proficiency, she started handling customer service
calls for a United States mobile phone company. She earns a
comparatively high salary for an entry-level job, and her employer
offers incentive bonuses, free meals and shuttle service.
Had she been born a generation earlier, she would most likely have
worked as a low-income farmer or gone overseas to find work. “My parents
didn’t have any opportunity like this,” she said.
Bato-Bato Replies: Hay! Ang sarap basahin nitong article na to. Napakagandang pakinggan na ang economiya ng Pilipinas ay umuusad na. Hay! Ang sarap naman. Kaya lang, bakit kumakalam parin ang sikmura ko? Bakit kulang parin ang sweldo ko? Bakit naghihikahos parin ako para pagkasyahing ang kakapiranggot na sweldo ko. Hay, lintek! Aanuhin ko tong "good news" na to kung hindi ko naman nararamdaman ang paglago ng economiya natin! Puro tiis at pasensya na lang! Bato-bato sa langit, lintek gutom na pamilya ko!
Mga Praning!
Dalawa lang ang characters sa video na ito:
1. Isang bus driver na hindi marunong rumespeto ng isang traffic enforcer at
2. Isang traffic enforcer na hindi dapat respetohin.
Hindi ko man alam ang buong istorya ng video na nito pero sa tingin ko ay may pagka-arogante rin ang bus driver. Hindi magwawala at maghuhubad na parang "Gardo Versoza" si mamang traffic enforcer kung hindi rin matigas ang ulo ng bus driver. Kitang-kita naman sa video kung pano murahin at patulan ng bastos na bus driver si Grado Versoza.
Ang advice ko sa inyong dalawa, maligo muna kayo at ang aasim ng mga kili-kili at ugali nyo!
Bato-bato sa langit, ewan ko ba bakit madaming praning sa Pinas! @#@!!!*^%$!
The First Lady Chief Justice in the Philippines
Congratulations to the new Chief Justice of the Philippines - Honorable Maria Lourdes Aranal Sereno.
Kami ay lubusang umaasa sa reporma sa ating justice system. Sa haba ng iyong magiging termino bilang Chief Justice eh ewan ko nalang po kung kukulangan ka pa ng panahon para ayusin ang ating bulok at napaka-bagal na justice system. Magdilang angel sana.
Goodluck po sa inyo.
Bato-bato sa langit. Opinyon lang at wag magagalit.
Image Credit: Wikipedia
Paalam Sec. Jesse Robredo
![]() |
| Image via www.dilg.gov.ph |
Jesse Manalastas Robredo (May 27, 1958 – August 18, 2012)
was the Secretary of the Interior and Local Government of the Philippines.
Robredo was a member of the Liberal Party.
On July 9, 2010, President Benigno Aquino III named Robredo
as Secretary of the Interior and Local Government. Robredo was formerly the
Mayor of Naga City in Camarines Sur. He was also the first Filipino mayor to
receive the Ramon Magsaysay Award for Government Service in 2000.
On August 18, 2012 (PHT), the aircraft carrying Secretary
Robredo crashed off the shore ofMasbate City. He was scheduled to go home and
watch her daughter's swimming competition in Naga City. The Philippine
Department of Interior and Local Government said that the pilot sent a distress
call to the Masbate airport requesting an emergency landing. The plane never
made it to the airport and crashed in the ocean. His body was retrieved three
days later, August 21, 180 feet below sea level.
Content Source: Wikipedia
Ang Baboy, Bow.
Well, well, well...ROBERT BLAIR CARABUENA ang galing galing mo. Sana Pumayat ka na dahil ang baboy ng asal mo! Nagagalit din ako sa mga ilang engot na MMDA enforcers, pero hinding hindi ko magagawa yang ginawa mo. Nakakahiya!
Bato-bato sa langit, ang tamaan oink-oink!
The Philippines is now Asia's New Tiger
After the tragic flooding that swept Mega Manila and nearby provinces last August 7, 2012, a brush of good news may be enough to pave away the drenched spirits of affected Filipinos. According to Michael Spencer, chief economist for Asia at Deutsche Bank AG, "The strongest-performing economy in the Asia today is the Philippines," his statement in a Bloomberg interview.
Yes you heard it right. Philippines, ikaw na! Kahit nakakaintindi naman ako ng wikang ingles, parang nahihirapan akong intindihin ang news na to. Hindi ko sya naiintindihan kasi hindi ko naman nararamdaman ang pag-lago ng ating economiya. Bakit hirap parin ako sa buhay? Bakit parang kapos na kapos parin ang aking sahod? Bakit gusto kong lumayas sa ating bansa upang humanap ng mas magandang opportunidad sa ibang bansa?
Kung totoo man ang sinasabi ni Michael Spencer, thank you po. Kaya lang, hindi po namin makakain yang good news mo. I, thank you.
Bato-bato sa langit, opinyon lang po at wag magagalit.
Bagong system ng rainfall alert, epektibo ba sa pagbibigay ng babala?
Video Source: GMA NEW ONLINE
Para sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng PAG-ASA color warning system, panoorin po ninyo itong video.
At height of habagat downpour, an 'extraordinary wedding'
From GMA News Online
I saw this article in GMA NEWS ONLINE, ang cute cute naman ng story. The couple was Hernelie Ruazol and Ram Ocampo. It must be true love. I wish you all the best.
Pitong Congressman, Nabakla sa RH Bill.
Seven congressmen withdraw their support to the controversial reproductive health (RH) bill.Below are their names:
1. Suarez, Orlando Fua (Siquijor),
2. Reena Concepcion Obillo (Una Ang Pamilya),
3. Mohammed Hussein Pangandaman (Lanao del Sur),
4. Nasser Pangandaman (AA Kasosyo),
5. Elmer Panotes (Camarines Norte) and
6. Pastor Alcover Jr. (Anad).
Representative Suarez of Siquijor argued that other countries that had adopted a similar measure (RH Bill) to control their population growth are now facing with problems of an insufficient labor force because the death rate was now greater than the number of children being born.
Tama naman ang argument mo Congressman Suarez, pero despite their dying labor force and their aging population, naghihirap na ba ang kanilang bansa? You mean to say na mas maganda ang "quality of life" ng Pilipinas as compared sa mga bansang ito? Ang Germany for instance, isa sila sa mga bansang may shortage sa labor force dahil kulang na ang kanilang population, you mean to say mas okay ang buhay ng Pilipinas as compared to Germany? Hindi naman diba?
I don't understand why our the Catholic Church is so against this bill. Gusto ba nila na maraming palaboy na bata sa kalye? Gusto ba nilang maraming pulubi na namamalimos sa mga daan? Okay lang ba sa simbahan na magkaroon ng maraming anak ang isang tricycle driver at jeepney driver na wala pa sa minimum wage ang kinikita sa isang araw? Gusto ba ng simbahan na "isang kayod - isang tuka" ang buhay ng mga Pilipino? Gusto nyo ng maraming tao sa Pilipinas, pero sino ba ang magpapakain sa kanila pag sila ay nagugutom? Gusto nyo ng maraming tao sa Pilipinas pero kayo ba ang magproprovide sa kanila ng trabaho? Hindi naman eh, ang alam nyo lang magsermon at manghingi ng collection twing misa.
Sa mga naniniwala sa RH Bill, sana wag po kayong magpasindak sa opinyon ni Padre Damaso. Wag kayong matakot, wag kayong bakla!
Bato-bato sa langit, opinyon lang at wag magagalit.
Bawal ang 'bad news" utos ni PNoy
President Aquino was invited to attend the 25th Anniversary of ABS-CBN's TV Patrol, a popular news program in the Philippines. His speech in an audience of media news practitioners, news correspondents, and the station's news anchors said "If you are aware that you are an opinion maker, you should also know your responsibility."
Ayon kay Aquino, ang pag-rereport ng "bad news" sa telebisyon at radio ang dahilan kung bakit nadidiscourage ang mga turista na pumunta sa ating bansa. "How many tourist every month cancel their vacations here because of negative news everyday? How many Filipinos lose their chance to a possible source of income because of this bad news?" sabi ni Aquino.
Totoo naman ang sinabi ni Presidente Aquino, tayong mga Pilipino rin naman ang sumisira sa ating bayan. Siguro sobra na nga ang ating pagiging negatibo at nasobrahan na rin tayo sa pag-kain ng talangka kaya't normal na sa atin ang "crab mentality".
Malaki ang responsibilidad ng mga media practitioners sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino. They can influence Filipinos on how they view themselves, their government officials, and their country. Kaya may punto rin naman si PNoy.
We should not criticize just to find faults, instead, criticize because we want to correct their faults.
Pero eto naman po ang dapat tandaan ng ating mga opisyal sa gobyerno:
...Dugo't pawis po ang aming binubuhos araw-araw para kami ay kumita ng pera at para magkaroon ng sapat na sweldo. A huge percent of our income ay napupunta sa buwis na ginagamit pang-pasweldo sa mga pwet ninyo. Kung ayaw ninyong makarinig ng 'bad news" sa amin, eh galingan ninyo ang mga trabaho ninyo!...
Ano ba problema nyo sa RH Bill?
The powerful Catholic Church ay nananawagan sa milyong-milyong nitong devotees to hold prayer vigils in the streets or in the privacy of their homes before Aug. 7, when the House of Representatives shall decide on the fate of the controversial reproductive health (RH) bill.
The RH bill aims to provide universal access to various birth control methods and modern contraceptives which will be funded by the government as stipulated in the said bill. The main objective of the RH Bill is to reduce the number of mothers and infants dying in childbirth and to minimize teenage girls from unwanted pregnancies.
However, the Catholic Church claims that the said bill is anti-life since it encourages the usage of modern contraceptives like condoms and pills which the Church believes is a tool to suppress life and will only encourage pre-marital sex amongst the youth.
Honestly, I really don't see the logic why the Catholic Church is so against this bill. Bakit? Ngayon ba na walang RH bill eh wala bang gumagamit ng condom at pills sa inyong mga devotees? Ngayon ba na wala pang RH bill eh wala bang cases ng teenage preganacies sa inyong mga devotees? Ngayon ba na wala pang RH bill eh walang pre-marital sex sa mga kabataan sa inyong bakuran? Papapugot ko ang ulo ko kung ang sagot nyo eh WALA!
Wala pang nakakaalam kung ano ang magiging epekto ng RH Bill kapag ito'y pumasa na sa congreso. Lahat ng arguments ng Simbahan about the said bill are just mere speculations at produkto lang ng makukulay na isip. Ilang taon nang ipinaubaya ng gobyerno sa Simbahan ang pag-tuturo ng responsible parenting sa kanilang mga devotees. At alam naman natin na hindi po sila naging epektibo. Now is the right time para makialam na ang gobyerno sa pamamagitan ng RH Bill.
Bato-bato sa langit. Opinyon lang po at wag magagalit.
2012 SONA ni Aquino, makatotohanan ba?
Kahapon ay hindi ordinaryong araw para kay PNOY, dahil ito ay araw ng kanyang ika-tatlong SONA. I took a day-off from my work para mapanood ang kanyang speech. Maganda ang pagkakasulat ng SONA ni PNOY, I wan't to commend his writers. Pero, katulad ng nakaraang administration, ang SONA ni PNOY ay puro pagbubuhat lang ng bangko at puro pag-yayabang lamang. Ang SONA para sa akin ay isang pelikula lamang sa isang sinehan. Pagkatapos mong panoorin ng ilang oras, tapos na ang palabas.
Sabihin mo na ang lahat ng magagandang achievements ng administrasyon mo, pero Ginoong Presidente, hindi ko parin nararamdaman ang effects ng pagkalago ng ating economiya. Hirap parin ako sa pag-budget ng aking kakapiranggot na sweldo. Marami parin akong mga kaibigan at kamag-anak na gustong lumayas ng ating bansa upang makakita ng mas magandang opportunity sa labas ng ating bansa. Ayon kay PNOY, nabawasan ang ating unemployment rate. Oo, totoo nga ito, pero sapat ba ang kinikita ng mga mangagawang Pilipino dito sa Pinas? Sa taas ng mga bilihin at pamasahe, ano ba ang mararating ng kakapiranggot na sweldo na natatanggap ng isang ordinaryong manggagawa?
Hindi ko kailangan ang yabang mo Ginoong Aquino, hindi namin makakain yan! Ang hangin mo ay isang utot lamang. Maingay at mabaho.
Marami ka ngang nagawa, pero kulang pa. Ikaw na rin ang nagsabi, kami ang boss mo. Kaya, ang utos ng mga boss mo, magtrabaho ka pa kasama ang mga cabinete mo.
Image Source
Aquino's State of the Nation Address 2012
Aquino's State of the
Nation Address 2012
Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano
Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez
Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado
ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga
kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno
ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi
ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan;
At sa akin pong mga boss, magandang hapon po.
Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang
nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong
nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating
iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo: Sawa
na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan. Oras na upang ibalik ang isang
pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.
Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng
makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas
Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang
aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging
saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking
prinsipyo: Kung may inaagrabyado't ninanakawan ng karapatan, siya ang
kakampihan ko. Kung may abusado't mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may
makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.
Matagal nang tapos ang Batas Militar. Tinanong tayo:
"Kung hindi tayo, sino pa?" at "Kung hindi ngayon, kailan
pa?" Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang
ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi na natin sa mapayapang paraan;
matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng
ating kasaysayan.
Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas
Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa
kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng
gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.
Mula sa unang araw ng ating panunungkulan, walang ibang sumalubong
sa atin kundi ang mga bangungot ng nawalang dekada.
Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga
nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo. Sa kabila nito,
binawasan ang benepisyo. Ang labingsiyam na trainsets naging tatlo, at ang mga
stasyon, mula lima naging dalawa. Ang masaklap po, pinapabayaran na sa atin ang
utang nito, now na.
Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa
kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan ang isang bilyong pisong
pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na
isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 percent ng kapulisan, para lang
kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new.
Wala na ngang iniwang panggastos, patung-patong at
sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran na. Mahaba ang iniwang
listahan na tungkulin nating punan: Ang 66,800 na backlog sa classroom, na
nagkakahalaga ng tinatayang 53.44 billion pesos; ang 2,573,212 na backlog sa
mga upuan, na nagkakahalaga naman ng 2.31 billion pesos. Nang dumating tayo, may
halos tatlumpu't anim na milyong Pilipinong hindi pa miyembro ng PhilHealth.
Ang kailangan para makasali sila: maaaring umabot sa 42 billion pesos. Idagdag
pa po natin sa lahat ng iyan ang 103 billion pesos na kailangan para sa
modernisasyon ng Hukbong Sandatahan. Sa harap ng lahat ng ito, ang iniwan sa
ating pondo na malaya nating magagamit: 6.5 percent ng kabuuang budget para sa
natitirang anim na buwan ng 2010. Para po tayong boksingerong isinabak sa laban
nang nakagapos na nga ang mga kamay at paa, nakapiring pa ang mga mata, at
kakampi pa ng kalaban ang referee at ang mga judge.
Kaya nga sa unang tatlong buwan ng aming panunungkulan,
inaabangan namin ang pagdating ng Linggo para maidulog sa Panginoon ang mga
bangungot na humarap sa amin. Inasahan naming mangangailangan ng di bababa sa
dalawang taon bago magkaroon ng makabuluhang pagbabago. Bibigyan kaya tayo ng
sapat na pag-unawa ng taumbayan?
Subalit kung may isang bagay mang nakatatak na sa ating
lahi, at makailang ulit na nating pinatunayan sa buong mundo: Walang hindi
makakaya ang nagkakaisang Pilipino. Nangarap po tayo ng pagbabago; nakamit
natin ang pagbabago; at ngayon, karaniwan na ito.
Ang kalsadang pinondohan ninyo ay tuwid, patag, at walang
bukol; ang tanging tongpats ay aspalto o semento. Karaniwan na ito.
Ang sitwasyon kung paparating ang bagyo: nakaabang na ang
relief, at hindi ang tao ang nag-aabang ng relief. Nag-aabang na ring umalalay
ang rescue services sa taumbayan, at hindi tayo-tayo lang din ang sumasaklolo
sa isa't isa. Karaniwan na ito.
Ang wang-wang sa lansangan, galing na lang sa pulis,
ambulansya, o bumbero-- hindi sa opisyal ng gobyerno. Karaniwan na ito. Ang
gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na kakampi na ng Pilipino.
Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi
kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business
under new management na ang Pilipinas.
Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng
sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba,
tsamba. Ngayong walo na, tsamba pa rin kaya? Sa Philippine Stock Exchange
index, nang una nating nahigitan ang 4,000, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng
all-time high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang:
nakaka-apatnapu't apat na pala tayo, at bihira nang bumaba sa 5,000 ang index.
Nitong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya
ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian
region; pangalawa po ito sa Asya, sunod sa China. Kung dati tayo ang laging
nangungutang, ngayon, hindi po birong tayo na ang nagpapautang. Dati,
namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila ang dumadagsa. Ang mga kumpanyang
Hapon, ang sabi ay, "Baka gusto n'yo kaming silipin. Hindi nga kami ang
pinakamura, pero una naman kami sa teknolohiya." Pati pinuno ng isang
bangko sa Inglatera, nakikiusap maisali sa pila.
Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga
komentarista. Ayon sa Bloomberg Business Week, "Keep an eye on the
Philippines." Ang Foreign Policy Magazine, pati isa sa mga pinuno ng ASEAN
100, nagsabing maaari daw tayong maging "Asia's Next Tiger." Sabi ni
Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and Global Macro ng Morgan
Stanley, "The Philippines is no longer a joke." At mukha naman pong
hindi siya nambobola, dahil tinatayang isang bilyong dolyar ang ipinasok ng
kanyang kumpanya sa ating bansa. Sana nga po, ang kaliwa't kanang paghanga ng
taga-ibang bansa, masundan na ng lokal na tagapagbalita.
Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas
nakararami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na
kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinarget natin
itong paabutin sa 3.1 million sa loob ng dalawang taon. Pebrero pa lang po ng
taong ito, naiparehistro na ang ikatlong milyong kabahayang benepisyaryo ng
Pantawid Pamilya. Sa susunod na taon naman, palalawakin pa natin ang sakop nito
sa 3.8 million; limang beses po ang laki niyan sa dinatnan natin.
Pangmatagalan po ang impact ng proyektong ito. Hindi pa
kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang, maganda na ang ipinapakita ng
numero. Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang
nagpapacheck-up. 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea,
polio, tigdas at iba pa. 4.57 million na estudyanteng hindi na napipilitang
mag-absent dahil sa kahirapan.
Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu't
dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang
masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong
nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko.
Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. Ang ibig pong
sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng Philhealth
mula nang bigyan tayo ng mandato.
Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na
kabahayang tinukoy ng ating National Household Targeting System, buong-buo at
walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Dahil sa No Balance
Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia,
asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad
ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng
mga pinakamahirap nating kababayan.
Ito po ang proseso ng pagpapagamot para sa kanila: Papasok
ka sa alinmang ospital ng gobyerno. Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card.
Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa nang walang inilalabas ni isang
kusing.
Sabi nga po sa isa sa mga briefing na dinaluhan natin, apat
sa sampung Pilipino, hindi man lamang nakakakita ng health professional sa
tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki pa: may nagsasabing anim sa bawat
sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa kalinga ng health professional.
Anuman ang ating pagbatayan, hindi po maikakaila: nakakabahala ang bilang ng
mga Pilipinong hindi naaabot ng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.
Tinutugunan na po natin ito. Mula sa sampung libo noong dumating tayo, umabot
na sa 30,801 ang mga nurse at midwife na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals
Program. Idagdag pa po natin sa kanila ang mahigit labing-isang libong
Community Health Teams na nagsisilbing tulay upang higit na mapatibay ang
ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad.
At kung dati tutungo lamang ang mga nurse kung saan
makursunadahan, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung saan sila kailangan,
doon sila ipinapadala: sa mga lugar na matagal nang naiwan sa laylayan ng
lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021 na pook na
saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod at
munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission.
Dalawang problema po ang natutugunan nito: bukod sa
nagkakatrabaho at nabibigyan ng work experience ang libu-libong nurse at
midwife na dati ay walang mapaglaanan ng kanilang kaalaman, nagiging abot-kamay
din ang de-kalidad na kalinga para sa milyun-milyon nating kababayan.
Subalit hindi po tayo makukuntento rito, dahil ang hangad
natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula ito, hindi sa mga pagamutan, kundi
sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan. Ibayong kaalaman, bakuna, at
check-up ang kailangan upang mailayo tayo sa karamdaman. Dagdag pa po diyan ang
pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan.
Halimbawa: Nabanggit ko ang mosquito traps kontra dengue
noong nakaraang taon. Maaga pa para sabihing siguradong-sigurado na tayo, pero
nakaka-engganyo po ang mga paunang resulta nito.
Sinubok natin ang bisa ng mosquito traps sa mga lugar kung
saan naitala ang pinakamataas na insidente ng dengue. Sa buong probinsya ng
Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang inilagay ang mga mosquito trap
noong 2011: bumaba ito sa tatlumpu't pito; 97 percent reduction po ito. Sa
bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may 228 na kaso ng dengue noong
2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala. Sa Catarman, Northern Samar:
434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na lang noong 2011.
Panimulang pag-aaral pa lamang po ito. Pero ngayon pa lang,
marapat na yata nating pasalamatan sina Secretary Ike Ona ng DOH at Secretary
Mario Montejo ng DOST, para naman ganahan silang lalong magsaliksik at
mag-ugnayan.
Marami pa po tayong kailangang solusyonan. Nakakabahala ang
mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa. Kaya nga po gumagawa tayo ng
mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan
sa kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health
Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga
institusyong pangkalusugan.
Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin
Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. Mababawasan na ang
bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.
Ano naman kaya ang sasalubong sa kabataan pagpasok sa
paaralan? Sa lilim ng puno pa rin kaya sila unang matututo ng abakada?
Nakasalampak pa rin kaya sila sa sahig habang nakikipag-agawan ng textbook sa
kaklase nila?
Matibay po ang pananalig natin kay Secretary Luistro: Bago
matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa
silid-aralan. Ang minana po nating 2,573,212 na backlog sa upuan, tuluyan na
rin nating matutugunan bago matapos ang 2012. Sa taon din pong ito, masisimot
na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook upang maabot na, sa wakas, ang
one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. Sana nga po, ngayong paubos na ang
backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng
estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito.
At para naman po hindi mapag-iwanan ang ating mga State
Universities and Colleges, mayroon tayong panukalang 43.61 percent na pag-angat
sa kanilang budget para sa susunod na taon. Paalala lang po: lahat ng ginagawa
natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang
ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform
Roadmap ng CHED, upang siguruhing de-kalidad ang magiging produkto ng mga
pamantasang pinopondohan ng estado. Kung mataas ang grado ninyo sa assignment
na ito, asahan ninyong dodoblehin din namin ang kayod para matugunan ang mga
natitirang pangangailangan ninyo.
Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa
edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong
2010, 177 billion pesos. Ang panukala natin para sa 2013: 292.7 billion pesos.
Noong 2010, 21.03 billion pesos ang budget para sa SUCs. Taunan po iyang
dinagdagan upang umabot na sa 37.13 billion pesos na panukala natin para sa
2013. Sa kabila nito, ngayon pa lang, may nagpaplano nang magcutting-classes
para mag-piket sa Mendiola. Ganito po kasimple: ang 292.7 ay mas malaki sa 177,
at ang 37.13 ay mas malaki sa 21.03. Kaya kung may magsabi pa ring binawasan
natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga
paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo. At pakiusap po,
pasukan naman ninyo.
Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma,
minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas,
ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw
magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good
news, at ginawang industriya ang kritisismo.
Kung may problema kayo na bago matapos ang taon, bawat bata
ay may sarili nang upuan at aklat, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin
ninyong: "Ayaw kong makapag-aral ka."
Kung masama ang loob ninyo na ang 5.2 million na
pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang pumasok sa ospital nang
hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan ninyo sila, mata sa
mata, at sabihin ninyong: "Ayaw
kong gumaling ka."
Kung nagagalit kayo na may tatlong milyong pamilyang
Pilipino nang tumutungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap dahil sa Pantawid
Pamilya, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong: "Ibabalik
ko kayo sa kawalan ng pag-asa."
Tapos na ang panahon kung kailan choice lang ng
makapangyarihan ang mahalaga. Halimbawa, ang dating namumuno sa TESDA,
nagpamudmod ng mga scholarship voucher; ang problema, wala palang nakalaang
pondo para rito. Natural, tatalbog ang voucher. Ang napala: 2.4 billion pesos
ang sinisingil ng mahigit isanlibong eskwelahan mula sa pamahalaan. Nagpapogi
ang isang tao't isang administrasyon; sambayanang Pilipino naman ang
pinagbabayad ngayon.
Pumasok si Secretary Joel Villanueva; hindi siya nagpasindak
sa tila imposibleng pagbabagong dapat ipatupad sa kanyang ahensya. Sa kabila ng
malaking utang na minana ng TESDA, 434,676 na indibidwal pa rin ang kanilang hinasa sa ilalim ng
Training for Work Scholarship Program. Kongkretong tagumpay din po ang hatid ng
TESDA Specialista Technopreneurship Program. Biruin po ninyo: Bawat isa sa
5,240 na sertipikadong Specialistas, kumikita na ngayon ng 562 pesos kada araw
o 11,240 pesos kada buwan. Mas malaki po ito sa minimum wage.
Mula sa pagka-sanggol, hanggang sa pagkabinata, gumagana na
ang sistema para sa mamamayan. Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang
pagsigla ng ating ekonomiya.
Alalahanin po natin: para tumabla lang, kailangang makalikha
ng isang milyong bagong trabaho para sa mga new entrants kada taon. Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang
taon: halos 3.1 million na bagong trabaho.
Ito po ang dahilan kung bakit pababa nang pababa ang
unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight percent ang unemployment
rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa lalo sa 6.9 ngayong
taon. Di ba makatwirang mangarap na balang araw, bawat Pilipinong handang
magbanat ng buto, may mapapasukang trabaho?
Tingnan na lamang po natin ang BPO sector. Noong taong 2000,
limanlibo katao lang ang nae-empleyo sa industriyang ito. Fast forward po tayo:
638,000 katao na ang nabibigyang trabaho ng mga BPO, at labing-isang bilyong
dolyar ang ipinasok nito sa ating ekonomiya noong 2011. Ang projection nga po,
pagdating ng 2016, 25 billion dollars na ang maipapasok nito, at
makakapag-empleyo na ng 1.3 million na Pilipino. Hindi pa po kasama rito ang
tinatayang aabot sa 3.2 million na mga taxi driver, barista, mga sari-sari
store, karinderya, at marami pang ibang makikinabang sa mga indirect jobs na
malilikha dahil sa BPO industry.
Malaking bahagi din po ng ating job generation strategy ang
pagpapatayo ng sapat na imprastruktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay,
nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag
na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito.
Magkakaroon pa po ng mga kapatid iyan: bago matapos ang
aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa Panglao, New Legaspi
Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Ia-upgrade na
rin po natin ang ating international airports sa Mactan, Puerto Princesa, at
Tacloban. Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng mga airport sa Butuan,
Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, at San Vicente sa
Palawan.
Pang-apat na Pangulo na po akong sasalo sa problema ng NAIA
3. Hindi lang po eroplano ang nag-take-off at nag-landing dito: maging mga
problema't anomalya, lumapag din. Nagbitiw na po ng salita si Secretary Mar
Roxas: bago tayo magkita sa susunod na SONA, maisasaayos na ang mga structural
defects na minana natin sa NAIA 3.
Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para
sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag ng trapik sa Las Piñas,
Parañaque, at Cavite. Dagdag pa diyan, para lalong mapaluwag ang traffic sa
Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula North Luzon hanggang South Luzon
Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated NLEX-SLEX connector. Matatapos po
ang mga ito sa 2015. Magiging 1 hour and 40 minutes na lang ang biyaheng Clark
papuntang Calamba oras na makumpleto ang mga ito. Bago tayo bumaba sa puwesto,
nakatayo na rin ang mga de-kalidad na terminal sa Taguig, Quezon City, at
Parañaque na paparadahan ng bus biyaheng probinsya, upang hindi na sila
makisiksik sa EDSA.
Nagbago na po ang takbo ng usapan tungkol sa ahensyang
dati'y itinuturing na pugad ng kapalpakan. Naalala ko po dati: Kapag tag-ulan
at umapaw ang Tarlac River, nalulunod ang MacArthur Highway. Tutunawin nito ang
aspalto; magbabaku-bako ang kalsada hanggang sa tuluyan na nga itong mawala.
Bilang kinatawan ng aking distrito, inireklamo ko po ito. Ang tugon ng DPWH:
alam namin ang problema, alam namin ang solusyon, pero wala kaming pera.
Kinailangan ko pang makiusap sa aking mga barangay: "Kung hindi natin ito
uunahin, walang gagawa nito, at tayo rin ang mapeperhuwisyo." Dati, panay
ang "hoy gising!" sa gobyerno, bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon
ang reklamo, "sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa." Paalala
lang din po: naisasaayos natin ang mga kalsadang ito nang hindi nagtataas ng
buwis.
Bubuo tayo ng mga daanan, hindi ayon sa kickback o
kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema. Dahil hindi na bara-bara ang
paglalagak natin ng pondo para sa mga proyekto, hindi na ito mapapako sa plano,
totoong kalsada na ang pakikinabangan ng Pilipino. Nang maupo po tayo sa
puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang hindi pa
naisasaayos. 1,569 kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng
pamamahala ni Secretary Babes Singson; sa 2012-- 2,275 kilometers pa ang
maidadagdag na natapos. Pati po ang mga kalsada at kurbadang mapanganib,
tinutukoy at inaayos na gamit ang teknolohiya. Taun-taon po nating bubunuin
ito, upang bago matapos ang aking termino, bawat pulgada ng ating national road
network, maayos na.
Hindi lang kalsada, kundi pati sistema, isinasaayos sa DPWH.
Dahil sa pagsunod sa tamang proseso ng bidding at procurement, 10.6 billion
pesos na ang natipid ng kanilang ahensya mula 2011 hanggang nitong Hunyo.
Maging mga kontratista, batid ang positibong bunga ng reporma sa DPWH. Sabi nga
ng nila, "ang top 40 na kontratista, fully booked na."
Sana po hindi maantala ang pagpapatayo natin ng iba pang
imprastraktura para hindi rin mapurnada ang paglago ng ibang industriya.
Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastruktura ang paglago ng
turismo. Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8
million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million.
Mantakin po ninyo: sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag
nilang tourist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating
taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012-- 2.1 million na turista na
ang napalapag. Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon,
kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista
para sa 2012. Ibig sabihin: 1.5 million na turista ang ating maidadagdag.
Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist
arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam na taon.
Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo.
Pero hindi nakuntento rito si Secretary Mon Jimenez. Sabi
niya, kung sa Malaysia may bumisitang 24.7 million na turista noong 2011, at
kung sa Thailand naman tinatayang 17 million, sa dinami-rami ng magagandang
tanawin sa ating bansa, hindi naman siguro suntok sa buwan kung mangarap tayong
pagdating ng 2016, sampung milyong turista na ang bibisita sa Pilipinas kada
taon. Kung patuloy na magkakaisa ang sambayanang Pilipino, gaya ng ipinamalas
natin nang hirangin ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa New
Seven Wonders of Nature, walang dudang makakamtan natin ito. Ang pahayag nga po
natin sa daigdig: "It's more fun in the Philippines." Kahit wala pang
isang taon sa puwesto si Secretary Mon Jimenez, nagagapas na natin ang
positibong bunga ng ating mga naipunlang reporma. Masasabi nga po nating
pagdating sa turismo, "It's really more fun-- to have Secretary Mon
Jimenez."
Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang
agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng
mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA ay ang
utang ng NFA. 12 billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman
nila sa atin, 177 billion pesos.
Hindi po ba’t noon, pinaniwala tayo na 1.3 million metric
tons ang kakulangan sa bigas, at para tugunan ito, di bababa sa 2 million
metric tons ang kanilang inangkat. Parang unlimited rice sila kung maka-order
ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito sa mga bodega. Ang
1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na natin sa 860,000
metric tons. Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling
abutin tayo ng bagyo. Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa
susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas.
Ang sabi po ni Secretary Alcala: ang susi dito,
makatotohanang programa sa irigasyon, at masigasig na implementasyon ng
certified seeds program. Ang masakit po, hindi bagong kaalaman ito; hindi lang
ipinapatupad. Kung dati pa sila nagtrabaho nang matino, nasaan na kaya tayo
ngayon?
Tingnan rin po natin ang industriya ng niyog. Ang cocowater
na dati tinatapon lang, ngayon, napapakinabangan na ng magsasaka. Noong 2009--
483,862 liters ng cocowater ang iniluwas natin. Umangat po ito ng 1,807,583
liters noong 2010. Huwag po kayong magugulat: noong 2011-- 16,756,498 liters ng
cocowater ang inexport ng Pilipinas. Ang coco coir naman, kung dati walang pumapansin,
ngayon may shortage na dahil pinapakyaw ng mga exporter. Hindi natin sasayangin
ang pagkakataong ito: bibili pa tayo ng mga bagong makinang magpoproseso ng
bunot para makuha ang mga hibla. Sa susunod na taon, lalo nating
mapapakinabangan ang industriya ng niyog: Naglaan na tayo ng 1.75 billion pesos
upang mamuhunan at palaguin ito.
Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform
Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking
panunungkulan.
Isinasaayos na po ang sistema upang mapabilis ang
pagpapatupad ng repormang agraryo. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang
upang maipamahagi sa ating mga magsasaka ang mga lupaing diniligan at
pinagyaman ng kanilang pawis. Subalit mayroon pa rin pong ayaw paawat sa
pagtatanim ng mga balakid. Ang tugon ko sa kanila: susunod tayo sa batas. Ang
atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako bumaba sa
puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP.
Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng
enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati, umabot lang ang kawad ng kuryente sa
barangay hall, energized na raw ang buong barangay. Kaya ganun-ganun na lang
kung ipagmalaki nilang 99.98 percent na raw ng mga barangay sa bansa ang may
kuryente. Pati ba naman sa serbisyong dapat ay matagal nang napapakinabangan ng
Pilipino, nagkakagulangan pa? Kaya nga po, para subukan ang kakayahan ng DOE at
NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang tinarget na
1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa. Nang matapos sila, ang
napailawan sa inilaan nating pondo: 1,520 sitios, at gumastos lamang sila ng
814 million pesos. Nagawa nila ito sa loob lamang ng tatlong buwan, na dati’y
inaabot ng dalawang taon. Kay Secretary Rene Almendras, bilib talaga ako sa
iyo; parang hindi ka nauubusan ng enerhiya. Sa paghahatid-serbisyo, hindi ka
lang eveready, nagmistulang energizer bunny ka pa-- you keep on going, and
going, and going.
Nangingibabaw na nga po ang liwanag sa ating bayan-- liwanag
na nagsiwalat sa krimeng nagaganap sa madidilim na sulok ng lipunan. Ang
pinagsisikapang kitain ng Pilipino, hindi na magagantso. Patuloy po ang pagbaba
ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala
noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong
2011. Dagdag pa rito: ang dating dalawanlibo't dalawandaang kaso ng carnapping
noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba: 966 na lang po iyan pagdating ng
2011.
Ito nga po sana ang dalhin ng ating mga headline. Hindi po
natin sinasabing wala nang krimeng nagaganap, pero palagay ko naman po, wala
dapat magalit na nangalahati na ito. Si Raymond Dominguez na matagal nang
labas-masok sa kulungan, hindi ba't sa loob lamang ng mahigit isang taon,
nasentensyahan at naipakulong na? Ang dalawa pa niyang kapatid ay sinampahan na
rin natin ng kaso at kasalukuyan na ring nakabilanggo. May dalawang suspect sa
bus bombing sa Makati noong nakaraang taon, ang isa patay na; yung isa,
humihimas na ng rehas. Kakosa niya ang mahigit sampung libong sangkot sa ilegal
na droga na inaresto ng PDEA nitong 2011.
Alam po nating hindi araw-araw ang laban ni Pacman, at hindi
puwedeng iasa dito ang pagbaba ng krimen. Kaya nga po pinalalakas natin ang
puwersa ng kapulisan. Di po ba, nang dumating tayo, apatnapu’t limang porsyento
ng ating kapulisan ang walang baril at umaasa sa anting-anting habang tumutugis
ng masasamang-loob? May nanalo na po sa bidding, tinitiyak na lamang nating
de-kalidad ang kanilang mga produkto. Pagkatapos ng proseso, maipagkakaloob na
ang 74,600 na baril na magagamit nila upang ipagtanggol at alagaan ang bayan,
lipunan, at sarili.
Dumako naman po tayo sa usapin ng pambansang tanggulan. May
mga nagsabi nga po na ang ating Air Force, all air, at no force. Imbes na
alagaan ng estado, para bang sinasadyang ilagay sa alanganin ang ating mga
sundalo. Hindi po tayo makakapayag na manatiling ganito.
Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan,
nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP
Modernization Program. Aabutan na nito ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo
na ipinagkaloob sa nasabing programa sa nakalipas na labinlimang taon.
Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na iyan: kapag naipasa na ang panukala
nating AFP modernization bill sa Kongreso, makakapaglaan tayo ng pitumpu’t
limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.
Kasado na rin po ang tatlumpung milyong dolyar na pondong
kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability Upgrade and Sustainment of
Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong nila upang pahusayin pa ang
pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng itatayong Coast Watch Center ng
Pilipinas.
Nagka-canvass na rin po ang Sandatahang Lakas ng mga
kagamitan tulad ng mga kanyon, personnel carrier, at frigate. Hindi magtatagal,
dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar sa ating pampang. Sa Enero,
aangkla na po sa Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pangalawa nating Hamilton
class cutter. Di na po bangkang papel ang ating ipapalaot; ngayon, mga hi-tech
at de-kalidad na barko na ang tatanod sa 36,000 kilometers nating coastline.
Mainam na rin po siguro kung maglinis-linis na ng mga hangar
ang ating Sandatahang Lakas, dahil darating na ang mga kagamitang lalong
magpapatikas sa ating tanggulan. Sa wakas, may katuwang na po ang kaisa-isa
nating C-130 na tatlumpu't anim na taon nang rumoronda sa himpapawid: dalawa
pang C-130 ang magiging operational ulit. Bago matapos ang taong ito, inaasahan
nating mai-dedeliver na ang binili nating dalawampu't isang refurbished UH-1H
Helicopter, apat na combat utility helicopters, mga radyo at iba't ibang
communication equipment, rifles, mortars, mobile diagnostic laboratories,
kasama pa ang station bullet assembly. Pagdating naman po ng 2013, lalapag na
ang sampung attack helicopters, dalawang naval helicopters, dalawang light lift
aircraft, isang frigate, at mga force protection equipment.
At hindi lang po natin sa armas ipinaparamdam ang pagkalinga
sa ating pulis at kasundaluhan. Nabawasan na rin po ang mga pasanin nila sa
pamumuhay dahil sa mahigit dalawampu't dalawang libong bahay ang naipatayo na
sa ilalim ng AFP-PNP housing program.
Hindi po ito tungkol sa pakikipag-girian o
pakikipagmatigasan. Hindi ito tungkol sa pagsisiga-sigaan. Tungkol ito sa
pagkamit ng kapayapaan. Tungkol ito sa kakayahan nating ipagtanggol ang ating
sarili-- isang bagay na kaytagal nating inisip na imposible. Tungkol po ito sa
buhay ng isang sundalong araw-araw sumasabak sa peligro; tungkol ito sa pamilya
niyang nag-aabang na makabalik siyang ligtas, ano man ang kanyang makaharap.
At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang
ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong
maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na
sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan. Halimbawa po
ang kilabot na teroristang si Doctor Abu, na hindi na makakapaghasik ng lagim.
Nagpupugay rin po tayo sa panunumbalik ng katahimikan sa mga lugar na matagal
nang biningi ng putukan. Ang resulta nga po ng bayanihan: 365 na barangay ang
naagaw sa kamay ng kaaway, 270 na gusali't paaralan ang naipaayos, at 74 health
centers ang naipagawa.
Kung kapayapaan na lang din po ang usapan, dumako naman tayo
sa lugar na matagal naging mukha ng mga mithiing di makamtan-kamtan. Bago po
magsimula ang mga reporma natin sa ARMM, may mga ghost student doon, na
maglalakad sa isang ghost road, tungo sa isang ghost school, para magpaturo sa
isang ghost teacher. Ang mga aparisyon pong gumulantang kay OIC Governor Mujiv
Hataman: Apat na eskuwelahan na natagpuang may ghost students; iniimbestigahan
na rin ang mga teacher na hindi lumilitaw ang pangalan sa talaan ng
Professional Regulation Commission, gayundin ang mga tauhan ng gobyernong hindi
nakalista sa plantilya. Limampu’t limang ghost entry ang tinanggal sa payroll. Ang
dating paulit-ulit na pagsasaboy ng graba sa kalsada para lang pagkakitaan ng
pera, bawal na. Wala nang cash advance sa mga ahensya, para maiwasan ang
pagsasamantala. Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa.
Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: isa ka nang
certified ghost buster.
Ang pumalit po: pabahay, tulay, at learning center para sa
mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery, lambat, materyales para
maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng 2,588 na mangingisda.
Certified seeds, punla ng gabi, casava, goma, at mga punong namumunga para sa
145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan: nakalaan na ang 183 million pesos
para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM; 310.4 million pesos para
sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa malinis na inuming tubig;
551.9 million pesos para sa mga kagamitang pangkalusugan; 691.9 million pesos
para sa daycare centers; at 2.85 billion pesos para sa mga kalsada at tulay na
babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion
pesos na ipinagkaloob ng pambansang gobyerno para isakatuparan ang mga reporma
sa ARMM. Lilinawin ko rin po: hindi pa kasama rito ang taunang suportang
natatanggap nila, na ngayong 2012 ay umabot sa 11.7 billion pesos.
Miski po ang mga dating gustong tumiwalag, nakikita na ang
epekto ng reporma. Kinikilala natin bilang pahiwatig ng kanilang tiwala ang
nakaraang pitong buwan, kung kailan walang nangyaring sagupaan sa pagitan ng
militar at ng MILF. Sa peace process naman po: hayag at lantaran ang usapan;
nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa't isa. Maaaring minsan,
magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit na nating
makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan.
Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin
upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod
ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang
buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na
salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung
ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan.
Ngunit unang hakbang lamang ito. Isipin po ninyo: Noong
2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha mula sa pagmimina,
subalit 13.4 billion lamang o siyam na porsyento ang napunta sa kaban ng bayan.
Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na balato lang ang
mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso upang
makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at matitiyak
na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong sektor sa mga
biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito.
Pag-usapan po natin ang situwasyon sa Disaster Risk
Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi
rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan
idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro.
Tuwing pag-uusapan nga po ang sakuna, lagi kong naaalala ang
nangyari sa Tarlac nang minsang bumagyo. Sa lakas ng ulan, bumigay ang dike.
Nang nagising ang isang barangay captain, tinangay na ng baha ang kanyang
pamilya at mga kagamitang pangsaka. Buti nga po't nakaligtas ang buong
mag-anak. Malas lang po ng kalabaw nilang naiwang nakatali sa puno; nabigti ito
sa lakas ng ragasa.
Walang kalaban-laban din po ang marami sa tinamaan ng
bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong. Napakarami pong nasawi sa paghagupit ng mga
delubyong ito. Sa ilalim ng bagong-lunsad na Project NOAH, isinakay natin sa
iisang bangka ang mga inisyatiba kontra-sakuna, at hindi na rin po idinadaan sa
tsamba ang paglilikas sa mga pamilya. Gamit ang teknolohiya, nabibigyan na ng
wastong babala ang Pilipino upang makapaghanda at makaiwas sa disgrasya.
Real-time at direkta na ang pakinabang ng walumpu't anim na
automated rain gauges at dalawampu’t walong water level monitoring sensors
natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang 2013, ang target natin:
animnaraang automated rain gauges at apatnaraan at dalawampu’t dalawang water
level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa labingwalong pangunahing
river basins sa buong bansa.
Isa pa pong pagbabago: Dati, ang mga ahensya'y kanya-kanyang
habulan ng numero, kanya-kanyang agenda, kanya-kanyang pasikatan. Ngayon, ang
kultura sa gobyerno: bayanihan para sa kapakanan ng taumbayan. Convergence po
ang tawag natin dito.
Dati pa naman po naglipana ang mga programa sa tree-planting.
Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang mga ito. Kapag nakita ng mga
komunidad na naghahanap din ng kabuhayan, puputulin ang mga ito para gawing
uling.
May solusyon na po rito. Mayroon na pong 128,558 hectares ng
kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po iyan ng kabuuang 1.5 million
na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa puwesto. Nakapaloob po rito ang mga
komunidad na nasa ilalim ng National Convergence Initiative. Ang proseso:
pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng
conditional cash transfer, aalagaan ang mga puno; mayroon ding mga magpapalago
ng bagong punla sa nursery. 335,078 na po ang mga Pilipinong nakakakuha ng
kabuhayan dito.
Sa isa nga pong programa, nakiambag din ang pribadong
sektor, na nagbibigay ng spesyal na binhi ng kape at cacao sa komunidad, at
tinuturuan silang alagaan at siguruhing mataas ang ani. Itinatanim ang kape sa
lilim ng mga puno, na habang nakatayo ay masisigurong hihigop ng baha at
tutulong makaiwas tayo sa pinsala. Ang kumpanyang nagbigay ng binhi, sure buyer
na rin ng ani. Panalo ang mga komunidad nay may dagdag kita, panalo ang
pribadong sektor, panalo pa ang susunod na salinlahing makikinabang sa
matatayog na puno.
Matagal na pong problema ang illegal logging. Mula nga po
nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun Amante ng mahigit anim na
milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo sa kanya. Sa Butuan pa lang
ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong political will ang lahat ng LGU?
Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga
komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para
sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang
dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting
kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang
pamahalaan sa ilegal na gawain.
Kaya kayong mga walang konsensya; kayong mga paulit-ulit
isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino: maghanda na kayo. Tapos na ang
maliligayang araw ninyo. Sinampolan na natin ang tatlumpu't apat na kawani ng
DENR, isang PNP provincial director, at pitong chief of police.
Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director ng PNP na
nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga dambuhalang trosong
dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos, isusunod namin kayo.
Magkubli man kayo sa lilim ng inyong mga padrino, aabutan namin kayo. Isasama
na rin namin ang mga padrino ninyo. Kaya bago pa magkasalubong ang ating
landas, mas maganda sigurong tumino na kayo.
Mula sa sinapupunan, sa pag-aaral at pagtatrabaho, may
pagbabago nang haharap sa Pilipino. At sakaling piliin niyang magserbisyo sa
gobyerno, tuloy pa rin ang pag-aaruga ng estado hanggang sa kanyang
pagreretiro. Tatanawin ng pamahalaan ang kanyang ambag bilang lingkod-bayan, at
hindi ipagdadamot sa kanya ang pensiyong siya rin naman ang nagpuhunan.
Isipin po ninyo: may mga pensyonado tayong tumatanggap ng
500 pesos lamang kada buwan. Paano niya ito pagkakasiyahin sa tubig, kuryente,
at pagkain araw-araw? Ang atin pong tugon: Pagsapit ng bagong taon, hindi na
bababa sa limanlibong piso ang matatanggap na buwanang pensyon ng ating old-age
and disability pensioners. Masaya tayong matutugunan natin ang pangangailangan
nila ngayon, nang hindi isinusugal ang kapakanan ng mga pensyonado bukas.
Iba na po talaga ang mukha ng gobyerno. Sumasabay na nga po
sa pribadong sektor ang ating pasahod para sa entry level. Pero kapag sabay
kayong napromote ng kaklase mong piniling mag-pribado, nagkakaiwanan na.
Mahahabol din po natin iyan; sa ngayon, ang good news natin
sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan: Performance Based Incentives. Dati, miski
palpak ang palakad ng isang ahensya, very satisfactory pa rin ang
pinakamababang rating ng empleyado. Dahil sa pakikisama, nahihirapan ang bisor
na bigyan ng makatarungang rating ang mga tauhan niya. Nakakawawa tuloy ang mga
mahusay magtrabaho; nawawalan sila ng dahilan para galingan dahil parehas lang
naman ang insentibo ng mga tamad at pursigido.
Heto po ang isa lamang sa mga hakbang natin upang tugunan
ito. Simula ngayong taon, magpapatupad tayo ng sistema kung saan ang bonus ay
nakabase sa pagtupad ng mga ahensya sa kanilang mga target para sa taon. Nasa
kamay na ng empleyado ang susi sa kanyang pag-angat. Ang insentibo, maaaring
umabot ng tatlumpu’t limang libong piso, depende sa pagpapakitang-gilas mo sa
iyong trabaho. Dagdag pa ito sa across-the-board na Christmas bonus na
matatanggap mo.
Ginagawa natin ito, hindi lamang para itaas ang kumpiyansa
at ipakita ang pagtitiwala natin sa ating mga lingkod-bayan. Higit sa lahat,
para ito sa Pilipinong umaasa sa tapat at mahusay na serbisyo mula sa
lingkod-bayan, at umaasang sila at sila lamang ang ituturing na boss ng
kanilang pamahalaan.
Simula pa lang mayroon nang mga kumuwestiyon sa sinasabi
nating, "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hanggang ngayon
mayroon pa rin pong mangilan-ngilang nagtatanong: nakakain ba ang mabuting
pamamahala? Ang simpleng sagot: Siyempre.
Isipin po natin ang ating pinanggalingan: Dati, parang wild
west ang pamumuhunan sa Pilipinas. May peligro na nga ang negosyo, sinagad pa
ang risko dahil sa di tiyak at nakalihim na patakaran. Kakamayan ka nga gamit
ang kanan, kokotongan ka naman gamit ang kaliwa.
Ngayon: Dahil patas na ang laban, at may hayag at hindi
pabagu-bagong mga patakaran, patuloy ang pagtaas ng kumpiyansa sa ating
ekonomiya. Patuloy ang pagpasok ng puhunan; patuloy ang pagdami ng trabaho;
patuloy ang positibong siklo ng pagkonsumo, paglago ng negosyo, at pagdami ng
mamamayang naeempleyo.
Dahil maayos ang paggugol ng gobyerno, walang tagas sa
sistema. Dahil maayos ang pangongolekta ng buwis, lumalago ang kaban ng bayan.
Bawat pisong nakokolekta, tiyak ang pupuntahan: Piso itong diretso sa kalsada,
piso para sa bakuna, piso para sa classroom at upuan, piso para sa ating
kinabukasan.
Dahil maayos ang paggawa ng tulay, kalsada, at gusali,
itinatayo ang mga ito kung saan kailangan. Maayos ang daanan, mas mabilis ang
takbo ng produkto, serbisyo, at mamamayan.
Dahil maayos ang pamamahala sa agrikultura, tumataas ang
produksyon ng pagkain, at hindi pumapalo ang presyo nito. Stable ang pasahod,
at mas malakas ang pambansang ekonomiya.
Tunay nga po: Ang matatag at malakas na ekonomiyang pinanday
ng mabuting pamamahala ang pinakamabisang kalasag laban sa mga hamon na
kinakaharap ng daigdig. Dalawang taon po nating binaklas ang mga balakid sa
pag-unlad, at ngayon, tayo na lang mismo ang makapipigil sa ating sariling
pag-angat.
Ginawa po natin ang lahat ng ito habang binubuno rin ng
bawat bansa sa iba't ibang sulok ng daigdig ang kani-kanilang problema't
pagsubok.
Hindi po tayo nag-iisa sa mundo, kaya't habang tinutugunan
natin ang sarili nating mga suliranin, angkop lamang na bantayan din ang ilang
pangyayaring maaaring makaapekto sa atin.
Naging maugong ang mga kaganapan sa Bajo de Masinloc. May
mga mangingisdang Tsinong pumasok sa ating teritoryo. Nasabat ng mga bangka
natin sa kanilang mga barko ang endangered species. Bilang pinuno, kailangan
kong ipatupad ang batas na umiiral sa ating bansa. Sa pagsulong nito,
nagbungguan ang Nine Dash Line Theory ng mga Tsino, na umaangkin sa halos buong
West Philippine Sea, at ang karapatan natin at ng marami pang ibang bansa,
kasama na ang Tsina, na pinagtitibay naman ng United Nations Convention on the
Laws of the Sea.
Ibayong hinahon ang ipinamalas natin. Ang barko ng Hukbong
Dagat, bilang tanda ng ating malinis hangarin, ay agad nating pinalitan ng
barkong sibilyan. Hindi tayo nakipagsagutan sa mga banat ng kanilang media sa
atin. Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa kabilang panig na galangin
ang ating karapatan, gaya ng paggalang natin sa kanilang mga karapatan bilang
kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang pagsaluhan.
Mayroon po tayong mga miron na nagsasabing hayaan na lang
ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung may pumasok sa inyong
bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan, papayag ba kayo?
Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin
talaga.
Kaya nga po hinihiling ko sa sambayanan ang pakikiisa sa
isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin. Tulungan ninyo akong iparinig
sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga paninindigan.
Hindi po simple ang sitwasyon, at hindi magiging simple ang
solusyon. Magtiwala po kayo: kumokonsulta tayo sa mga eksperto, at sa lahat ng
pinuno ng ating bansa, pati na sa mga kaalyado natin-- gayundin sa mga nasa
kabilang panig ng usaping ito-- upang makahanap ng solusyon na
katanggap-tanggap sa lahat.
Sa bawat hakbang sa tuwid na daan, nagpunla tayo ng
pagbabago. Ngunit may mangilan-ngilan pa ring pilit na bubunot nito. Habang
nagtatalumpati ako ngayon, may mga nagbubulungan sa isang silid at hinihimay ang
aking mga sinasabi; naghahanap ng butas na ipambabatikos bukas. Sasabihin nila:
Salita lang ito, at hindi totoo ang tuwid na landas. Sila rin po ang
magsasabing hayaan na, magkaisa na; forgive and forget na lang para makausad na
tayo.
Hindi ko po matatanggap ito. Forgive and forget na lang ang
sampung taon na nawala sa atin? Forgive and forget na lang para sa magsasakang
nabaon sa utang dahil sa kakaangkat natin ng bigas, gayong puwede naman palang
pagyamanin ang kanyang lupa?
Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis
na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang
hinahabol ang armadong masasamang-loob?
Forgive and forget na lang ba para sa mga naulila ng
limampu't pitong biktima ng masaker sa Maguindanao? Maibabalik ba sila ng
forgive and forget? Forgive and forget ang lahat ng atraso ng mga naglubog sa
atin sa bulok na estado? Forgive and forget para maibalik ang lumang status
quo? Ang tugon ko: Ang magpatawad, maaari; ang makalimot, hindi. Kung ang nagkasala
ay hindi mananagot, gagarantiyahan mo ang pagpapahirap muli sa sambayanan.
Ang tunay na pagkakaisa at pagkakasunduan ay magmumula
lamang sa tunay at ganap na katarungan. Katarungan ang tawag sa plunder case na
isinampa laban sa dating pangulo. Katarungan na bigyan siya ng pagkakataong
harapin ang mga akusasyon at ipagtanggol ang kanyang sarili. Katarungan ang
nasaksihan natin noong ika-dalawampu’t siyam ng Mayo. Noong araw na iyon,
pinatunayan natin: Posibleng mangibabaw ang katarungan kahit na ang kabangga mo
ay may mataas na katungkulan. Noong araw na iyon, may isang Delsa Flores sa
Panabo, Davao del Norte, na nagsabing, "Posible pala: iisang batas lang
ang kailangang sundin ng court interpreter na tulad ko, at ng Punong
Mahistrado." Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal
at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan.
Kaya po sa susunod na magiging Punong Mahistrado, malaki ang
inaasahan sa inyo ng sambayanan. Napatunayan na po nating posible ang
imposible; ang trabaho natin ngayon, siguruhing magpapatuloy ang pagbabago
tungo sa tunay na katarungan, matapos man ang ating termino. Maraming sira sa
sistemang kailangan ninyong kumpunihin, at alam kong hindi magiging madali ito.
Alam ko po kung gaano kabigat ang pasanin ng isang malinaw na mandato; ngunit
ito ang atas sa atin ng taumbayan; ito ang tungkuling ating sinumpaan; ito ang
kailangan nating gampanan.
Simple lang ang hangad natin: kung inosente ka, buong-loob
kang haharap sa korte, dahil kampante kang mapapawalang-sala ka. Kung ikaw ang
salarin, anuman ang apelyido mo, o gaano man karami ang titulong nakakabit sa
iyong pangalan, may katiyakan din na pananagutan mo ang ginawa mong kasalanan.
Salamat din po kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa
pagtanggap ng hamon na maging tunay na tanod-bayan. Kung tutuusin, pwede na
niyang tanggihan ang responsibilidad at sabihing, "Retirado na ako, puwede
bang 'yung iba na lang?" Subalit nangibabaw ang kaniyang malasakit sa
bayan. Sa kabila nito, may nagregalo pa rin sa kanya ng granada sa bahay.
Ma'am, may mga darating pa pong pagsubok; baka po paglaon, magaya na kayo sa
akin na tinatawag na ganid na kapitalista na komunista din patungong diktador
dahil sa sigasig ng mga repormang ipinapatupad natin.
Bilib po ako sa inyong pagpapakitang-gilas. Maraming salamat
sa pagiging instrumento ng katarungan, lalo na noong kasagsagan ng impeachment
trial. Salamat din po sa dalawang institusyong bumubuo ng Kongreso: Sa Senado
at Kamara de Representante, na tinimbang ng taumbayan at nakitang sapat na
sapat.
Sa lahat po ng tumulong sa pagpapagana ng mga prosesong
pangkatarungan: Dumaan kayo sa matinding pagsubok, batikos at agam-agam; kasama
pa ang kaba na kung natalo tayo, kayo ang unang pupuntiryahin ng kalaban. Pero
di kayo natinag. Umasa sa inyo ang Pilipino, at pinatunayan ninyong tama ang
pag-asa sa inyo. Hindi ninyo binigo ang sambayanan; ipinaliwanag ninyo lalo ang
ating kinabukasan.
Paalala lang po: hindi natatapos ang laban sa isang tiwaling
opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang ma-anomalyang kontratang napigil
ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang pamamalakad. Kaya naman nananawagan
po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala nating pag-amyenda sa Anti-Money
Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin ang pagpapanagot sa mga tiwali.
Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan
pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat
kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang
nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom,
upuan, at aklat na napapasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan
ng bagong kinabukasan-- ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng
dalawang taon.
Pagtabihin po natin ang dalawang taon na ito, at ang
nakaraang siyam at kalahating taon na ating pinagdusahan. Di po ba't sumusulong
na ang agenda ng pagbabago? Ang kapareho namin ng adhikain, malamang, kasama
namin sa agendang ito. At kung kontra ka sa amin, kontra ka rin sa ginagawa
namin. Kung kumukontra sila sa agenda ng pagbabago, masasabi ba ninyong sila'y
nasa panig ninyo?
Paparating na naman po ang halalan. Kayo po, ang aming mga
boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko sa inyo, "Boss, saan tayo
tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na landas, o magmamaniobra ba
tayo't aatras, pabalik sa daan na baluktot at walang patutunguhan?"
Naalala ko pa po noong nagsimula tayo. Mulat na mulat ako sa
bigat ng pasaning sasalubong sa atin. Kabilang ako sa mga nag-isip: Kaya pa
bang ituwid ang ganito kabaluktot na sistema?
Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu't limang buwan ng
pagka-pinuno: Walang imposible. Walang imposible dahil kung nakikita ng
taumbayan na sila ang tanging boss ng kanilang pamahalaan, bubuhatin ka nila,
gagabayan ka nila, sila mismo ang mamumuno tungo sa makabuluhang pagbabago.
Hindi imposible na ang Pilipinas ang maging kauna-unahang bansa sa
Timog-Silangang Asya na magbibigay ng libreng bakuna para sa Rotavirus. Hindi
imposible para sa Pilipinas na tumindig at sabihing: "Ang Pilipinas ay sa
Pilipino--at handa kaming ipagtanggol ito." Hindi imposible na ang Pilipinong
kaytagal nang yumuyuko tuwing may makakasalubong na dayuhan--ang Pilipino,
ngayon, taas-noo, tinitingala ng buong mundo. Talaga namang ang sarap maging
Pilipino sa panahong ito.
Noon pong nakaraang taon, hiniling ko sa taumbayan:
Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong pagbabago sa lipunan. Hindi po
biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya angkop lamang na pasalamatan ang
mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga maling idinulot ng masamang
pamamahala.
Sa lahat ng miyembro ng aking Gabinete: Maraming, maraming
salamat. Mapalad po ang sambayanan at may mga tulad ninyong handang isuko ang
pribado at mas tahimik na pamumuhay para sa paghahatid serbisyo-publiko, kahit
pa batid ninyong ang kapalit nito ay mas maliit na sweldo, panganib, at pambabatikos.
Huwag din po sana nilang masamain dahil personal ko silang
papangalanan: Kina Father Catalino Arevalo, at Sister Agnes Guillen, na
dumidilig at nagpapalago sa aking buhay spirituwal, lalo na sa mga panahong
sukdulan ang pagsubok sa amin, maraming, maraming salamat po.
Ito po ang aking ikatlong SONA, tatlo na lamang din po ang
natitira. Papasok na po tayo sa kalagitnaan ng ating liderato. Noong nakaraang
taon, ang hamon ko sa inyo: iwaksi ang kultura ng negatibismo; sa bawat
pagkakataon, iangat ang kapwa-Pilipino.
Batid po sa tinatamasa natin ngayon: hindi kayo nabigo. Sa
inyo nagmula ang pagbabago. Ang sabi ninyo: posible.
Humaharap po ako sa inyo bilang mukha ng isang gobyernong
kayo ang boss at kayo pa rin ang lakas. Inuulat ko lamang ang mga pagbabagong
ginawa ninyong posible.
Kaya nga po sa lahat ng nurse, midwife, o doktor na piniling
magsilbi sa mga baryo; sa bawat bagong graduate na piniling magtrabaho sa
gobyerno; sa bawat atletang Pilipinong bitbit ang watawat saanmang panig ng
mundo; sa bawat kawani ng pamahalaan na tapat na nagseserbisyo: Kayo-- ang
gumawa ng pagbabago.
Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing, “Salamat
at nabakunahan na ang aking sanggol,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang bata na nagsasabing, “Salamat
sa papel, sa lapis, sa pagkakataong makapag-aral,” ang tugon ko: ikaw ang
gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, “Salamat
at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,” ang tugon ko: ikaw
ang gumawa nito.
Sa tuwing haharap ako sa isang Pilipinong nagsasabing,
“Salamat, akala ko hindi na magkakakuryente sa aming sitio. Akala ko hindi ko
na aabuting buhay ang liwanag na ganito,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
Sa bawat pagkakataon na haharap ako sa isang magsasaka,
guro, piloto, inhinyero, tsuper, ahente sa call center, karaniwang Pilipino; sa
bawat Juan at Juana dela Cruz na nagsasabing “Salamat sa pagbabago,” ang tugon
ko sa inyo: kayo ang gumawa nito.
Inuulit ko: posible na ang dating imposible. Humaharap po
ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito.
SONA ito ng sambayanang Pilipino. Maraming, maraming salamat po.
Subscribe to:
Posts (Atom)





